09-17-11…ORDINARY DAY. WITH AN EXTRAORDINARY EXPERIENCE
September 17, 2011 is a very memorable day for me! hahahaha! because today.. hindi na ko mahihirapan kung anong ilalagay sa “MOST EMBARRASSING EXPERIENCE” sa scrap book! hahaha! kaineees! straight to the point na ko agad! NAHULOG AKO SA JEEP!!!! badtreeeep yan! hahahahaha! :))
Pano?..
isang normal na araw lang.. nothing special.. sumakay ako sa jeep papuntang school mga 10:55am siguro yun as usual late nanaman ako. nung time na bababa na ko ng jeep. although late na ko. di naman ako nagmamadaling bumaba. pero… pagkasabe kong “PARAAA POOO.” as usual di totally huminto. tipong bumagal lang ang andar nung jeep. it’s normal for me to experience that kasi madalas ganun ginagawa ng mga driver kung lalaki naman ang bababa ng jeep ang tawag nila dun “ALALAY” tipong not totally stop yung andar ng jeep pero super bagal na tipong kaya mong talunin naman. (siguro you have already experience that). so ayun na nga… tapos yung tipong nasa pinto na ko ng jeep at pastep na sa daan…..
..Biglang bumilis ang andar.. super nakita ko pang pabilis na yung andar. grabee totoo pala yung scene na parang nagsslow motion yung pangyayare.. kasi kitang kita ko na bumilis yung andar…pero wala na kong magawa kasi pastep na ko pababa..
BOOOOOOOOM!!!.
………..Biglang nagulat nalang ako nasa sahig na ko ng daan at nakadapa. grabe. and the people in the jeep starts screaming and yung mga breaks ng mga sasakyan narinig ko yung tunog na eeeeeeeeerrrrrrrrrrnnnggggk.!!!! basta yung full stop. bigla akong tayo eh. tipong adrenaline na lang umiral sakin kaya ako napatayo..sabay tabi sa daan at lakad.. lakad na mabilis. and i can hear voices na “OK ka lang?” nakayuko ako nung narinig ko yun. so when I looked at where the voice was coming from.. galing kay manong Driver na kasunod na jeep. Bigla kong narealize.. sya pala yung nagfull break nung bagkabagsak ko… then I started thinking what if.. hindi sya napahinto nung nahulog ako??… hmmm.. grabeee.. I was so blessed. so I just looked at him pero not straight kasi medyo nahihiya at shock pa ko sa nangyare and i told him with a smile “ok lang” with an OK sign. sabay alis….at mabilis na lakad. I never looked back anymore kasi ayokong makitang nakatingin sila sakin. huminto nalang ako nung medyo malayo na ko.. to check kung ok lang ba talaga ako..
Grabee. after that experience gusto ko ng umuwi kaagad!hahahaha! Tas bigla kong narealize.. ganun pala kabilis yun.. you will never know talaga kung anong mangyayare sayo.. it was just an ordinary day. ordinary jeep. ordinary time. But extraordinary experience!!
But I was happy and blessed din how i reacted in the situation. nakakakita na ko ng mga ganung scene. mga hulog or dapa sa jeep. and normally nauuwi sa sigawan at murahan and sometimes bantaan pa ng buhay. siguro kung di pa ko CHRISTIAN nun. mura kaagad nasabe ko. or aawayin ko yung driver knowing my traits dati. while walking nga palayo sa “CRIME SCENE” paulit ulit kong tinatanong sarili ko “Lord, bakit? bakit mo pinaexperience sakin yun?” yung kahihiyan. Yung nakaktakot na experience. that can even take my life away. I was asking Him.. bigla kong narealize.. SUFFERINGS DOES’NT COME FROM GOD. But He let’s suffering come to you and for you to experience. To Test your FAITH. To know how will you react from those sufferings. kung magpapairal ka ba sa emotions mo???! na magagalit ka. or magwawala. or magrereklamo?.. OR Just PRAY.And be Thankful for being still alive and walang nangyare masama walang galos or pilay. kirot lang pero kering keri naman!!! :D!
GRabeee…. bigla kong narealize ang layo ko na talaga sa dati kong ugali. I can see na talaga yung change of having relatioship with JESUS! Thank you Lord for reminding me of how blessed I am for having you!! and thank you also giving me people who will back-up my attitude. (si Jeffrey Lobo) hahaha hindi naman nya mababasa to eh. so mgththank you na ko sakanya. haha kasi sya yung katext ko nung mga panahon na yun hahaha at tinawanan nalang namin yung situation at thankful na walang nangyareng worst. and also helping me to remain cool and forgiving manong driver! :))) I’ll sakay padin sa jeep mo manong :) and next time ill wait for you to stop na. hehehe!!!!
“Surely He will save you from the fowler’s snare and from the deadly pestilence. He will cover you with His Feathers, and under His wings you will find refuge; and His faithfulness will BE YOUR SHIELD AND RAMPANT.” Psalm 91:3-4
GREAT GOD.
AND THAT’S MY EXPERIENCE. :)
Blahblahblah: It's better to cheat than to repeat. 
hahaha. joke yan na lagi natin (or atleast ako lang XD) naririnig.
two weeks ago, we took our midterm exams. kung mababasa mo sa posts ko, malupit ung prof namin sa JPR003(Rizal). ung grade namin sa exam, 80% galing sa video na ginawa namin and 20% sa written. unfortunately, di nagustuhan ng…
via shellyllehs
PEOPLE CAN DISAPPOINT US BUT GOD WILL NOT. EVER!!!
(Source: spiritualinspiration)
via spiritualinspiration
Chalk Board theme





